Web AMA System

Saturday, September 25, 2004 

Ang Mga Matataas ang Sweldo sa AMA System



Narito po sa ibabaw ang mga tao na gumagawa ng decision sa AMA System. Kung meron po man dito nababanggit na mga pangalan ng mga nakatataas sa AMA, hanapin ninyo na lang po sa itaas kung sino ang tinutukoy.

Sunday, September 19, 2004 

The Reality of Working with AMAES

The community of AMAES schools offers boundless opportunities for growth and self-fulfillment.

Anong growth ang tinutukoy dito? I'm sure hindi height ang sinasabi dito kasi matagal na sa AMA si Patrick Azanza (PTA) eh pandak pa rin naman. Saka ano ba meaning ng self-fullfillment? Iyon ba yung ma-satisfy ni Amable Aguiluz ang sarili nya sa lahat ng gusto nyang mangyari? Kaya pala puro pansarili lang ang ginagawa ng management kasi makasarili ang purpose nila.

AMA ensures that all its employees are well taken cared of financially through competitive compensation packages, intellectually by providing continuous training and education, and spiritually by nurturing their faith.

"&%#(*$%$*&&*^" naman oh! Ano ba yung competetive compensation? Yun ba yung kailngan mo pang makipaglaban at makipagkagalit sa HRD para lang iprocess ang 100% salary mo kasi 6 months ka nang 50% palagi ang sweldo? Ano bang training ang sinasabi nyo eh halos 5 years ako sa AMA eh wala naman akong training na napuntahan? Baka yung pagbusabos sa amin ang sinasabi nyong training? Iyon bang pagsasanay sa mga empleyado na maging timawa............Yun na nga siguro yun. Faith? Ano yun? Baka "pait"? Pait ng pagdurusa ang ang pinananatili nyo sa mga empleyado.

AMA recognizes that every member of the workforce plays a vital role in realizing the vision of AMAES. Faculty and staff are entitled to generous educational benefits like tuition assistance for themselves and their family. Every employee is also covered by healthcare benefits.

Sya nga ba? Eh bakit ang bilis ng turn over ng mga teachers ang employees ng AMA? Lahat kaya sila na feel nila yung recognition na sinasabi nyo? Ang ganda sanang pakinggan ng "generous educational benefits" kaso eh ang nakikinabang lang naman nito eh yung mga sinauna pang empleyado ng AMA kasi wala na ngang nagtatagal na empleyado nyo. Saka wag nyo po sanang ipangalandakan yan dahil ang katumbas ng 100% na free tuition sa inyo eh hindi naman talaga libre lahat. Kung pwede lang sana eh kung magbibigay lang din kayo eh lubusin nyo na at wag hahaluan ng pagkamaramot nyo. Oo nga pala meron kayong healthcare benefits pero kailangan pa rin magbayad ng share nila ang mga rank & file employees? Akala ko ba benefit?

Each campus offers a stimulating work environment, where great minds and ideas come together to shape future leaders in Information Technology. Globally trained faculty members especially in new areas of learning like BS Mechatronics comprise the roster of driven and committed faculty.

Wala namang lokohan! Alam naman nating kulang kulang ang facilities sa mga AMA campuses dahil karamihan sa mga building na nirerentahan nyo eh luma na oh di kaya eh pinabayaan ng contractor dahil sa binalasubas nyo sa bayaran. Siguro nga meron kayong "globally trained employees" pero ganun na sila bago pa man pumasok sa AMA. Saka wag nyo ngang gamitin yang mga "mechatronics" na yan oh "robotics" pa kasi para binabayaran nyo lang naman yung mga yan para magamit nyo yang mga terms na yan sa panloloko ng students nyo. Wala naman talaga kayo nyan noh!

 

AMAES and the Government

AMAES’ commitment extends to its neighboring communities by supporting and assisting government endeavors through of its technical and human resources. As the pioneer of computer education in the Philippines, AMAES recognizes the importance of technology in boosting the economy. It also acknowledges its heightened role in helping the country achieve sound economic performance by supporting its initiatives through different avenues like providing computer literacy in areas that are underserved, donating computers to selected government agencies and providing technical support to various government projects.

As AMAES moves forward and gears up to face the new challenges of the new millennium, it continues to strengthen its cooperation with the Philippine government to help achieve the nation’s social and economic goals.

Simple lang po ang meaning nito.........sipsip si Amable Aguiluz kay President GMA!

Tuesday, September 14, 2004 

May pang Tuition ka pa ba?

Isang padalang artikulo sa akin ng nagngangalang: Kratus De Las Armas

Sa mga makakabasa ng artikulong ito, marahil ay medyo pamilyar na kayo sa quotation na ito "May Pang Tuition Ka pa Ba?", dahil nagamit na din ito noong panahon nagkaroon ng isang matinding tunggalian sa pagitan ng AMA at mga studyante. Gusto ko lang ibalik ang kahapon na sariwa pa sa aking alaala. Isang pangyayaring nagbuklod sa mga esyudyante at nagpakita na ang sama-samang pagkilos ng mga mag-aaral ay isang epektibong armas laban sa pagsasamantala ng mga naghaharing uri.

Isa din akong dating estudyante ng AMA, na ngayon ay nasa landas na ng pagtatrabaho. Gusto ko sanang bahagi sa inyo ang karanasan ko bilang isang mag-aaral. Taong 1998 noong pumasok ako sa AMA, siempre medyo pacute, at papansin pa. Gaya ng iba dumaan din ako sa kamay nina Mrs. Montejo, Mr. Villafranca sa Algebra, Ms. Maldo, Mr. Abad at siempre sinong makakalimot kay Sir Peraz, Ms. Chua at Mam Enal. Na mga kapwa ko masabi na magagaling ng guro saludo ako sa inyong lahat. Sa panahong ito tila unahan sa pageenroll kc baka maubusan ka ng subjects, kung hindi ako nagkakamali 8,900 pa ang full-payment ko noon(compare sa 20K sa mga freshmen ngayon) mababa pa di ba tapos sapat pa ang natutu2nan mo. Bagamat walang libro sa library, walang air-con, at wala pang permit to operate ang AMA noon, mga bagay na hindi ko pa iniintindi kc di pa ako apektado. With regards sa libro kc Pascal at C Language pa lang naman ang gamit ko noon, di ko pa kc alam na binabayaran ang aircon, at higit sa lahat sa permit eh hindi ko pa alam ang epekto nito sa akin. Sa loob lamang ng isang Sem eh tumaas mula sa 8,900 - 11,000 yung tuition ko malaki ang pagtaas di ba.Bagay na pinilit kong inalam kung bakit tumaas dahil nagrereklamo na ang nanay ko sa laki ng binabayaran. Ang sabi pa ng Nanay ko eh "Taon-Taon na lang ba tataas yan" mali ang nanay ko kc every sem nagtataas ang tuition. Second semester noon ng sumiklab ang unang welga sa AMA at sa history ng lahat ng paaralan sa Sta. Cruz, sa panguguna ng Student Council at ilang estudyanteng mulat at may paki-alam sa kapwa tao nila, sila yung mga mabubuting samaritano ng AMA kung baga. Matagumpay na na overcome ng mga student leader ng AMA ang laban, napabalik silang lahat at naging maayos ang takbo ng sistema sa AMA. Masaya noon sa AMA, maganda ang samahan ng studyante at guro, tila isang langit ang AMA noon, masarap pumasok dahil marami kang matu2nan, masigla ang buhay.Hindi din nataas ang tuition fee dahil andyan ang student council para humarang. Isang malaking kabaliktaran ang nangyayari ngayon dahil ngayon tila isang departmet store na ang AMA, na kung saan maraming damit ang ibinebenta na hindi naman kailangan at hindi ka makakapasok sa loob ng department store na ito kung wala kang 25-30K ok lang sanang magbayad kung nasusulit mo, eh ang problema sa AMA eh kung ihahalintulad natin sa isang lata ng sardinas, isa syang malaking lata ng sardinas pero wala namang laman. Nakakaawa tuloy tayong mga estudyante, sa halip na matuto tayo sa loob ng paaralan karamihan ay wala as in wala talagang matutunan. Bakit? dahil wala ng magaling ng guro at wala ng nagmomotivate sa estudyante para matuto. Naalala ko tuloy yung isa kong Instructor na nagtanong na "Who is the tallest mountain?" di ba nakakadiri? History teacher ka tapos "WHO IS THE TALLEST MOUNTAIN?"..Tapos may mga teacher pa na katulad ni A.M. na nagtuturo ng MultiMedia pero parts of the bosy at proper posture sa pagupo sa computer ang itinuturo. Ilang bagay na nakakalungkot. Kayo ba sangayon ba kayo sa ganitong sistema? I hope na hindi dahil kung hahayaan pa natin ang ganitong sistema tayo din ang mahihirapan sa pagdaan ng panahon na tayo na ang nagpapa-aral sa ating mga magiging anak... maki-alam.

SA MGA MAGAARAL NGAYON SA AMA STA. CRUZ (at iba pang sangay ng AMA -Admin), PANAHON NA PARA BALIKTARIN MULI ANG TATSULOK... SAMA-SAMANG PAGKILOS ANG SAGOT SA LUMALALANG KRISIS SA EDUKASYON.. KUNG HINDI NGAYON KAILAN?...

"ANG PUNO NG KALAYAAN AY PALAGIANG DAPAT DINIDILIG NG DUGO NG MAKA BAYAN AT TAKSIL SA BAYAN"...

Sunday, September 12, 2004 

Mga Sari-Saring Reklamo sa AMA

Nadito ang iba pang site na may iba't-ibang reklamo din laban sa AMA:

http://www.gov.ph/forum/thread.asp?rootID=13823&catID=13

Friday, September 10, 2004 

The WEB CAST and Sta. Cruz issue by: Michael

A Sta. Cruz correspondent (demos_101@yahoo.com) requested to put this comment as a full article:

Magandang araw sa lahat ng mag-aaral, guro at empleyado ng AMA Computer College Santa Cruz, Laguna at sa lahat ng bumubuo ng AMAES na dumaranas ngayon ng dilubyo.

Marami o halos lahat sa AMA ay nakikita, nararamdaman at naranasan ang di magandang pamamalakad o sistema ng pamamalakad sa AMA. Sabi nga “Bulag, Manhid o PNB (patay na bata) lamang ang maaaring magsabi na maganda ang sistema ng pamamalakad sa AMA”.

Laging binabanggit sa kanilang mga advertisement sa dyaryo, radyo at telebisyon na “AMA provides a quality education”. Subalit paano magkakaroon ng isang “Quality Education” kung ang laging nasa unahan ng kanilang mga plano ay kung paano magkakamal ng malaking kita o tubo sa halip na kung paano magbibigay ng maayos na serbisyo.

Dahil sa nais nilang magkamal ng malaking tubo, pangunahin nilang tinitipid ang mga mag-aaral na siyang dapat nilang binibigyan ng magandang serbisyo dahil sila ang pangunahing bumubuo at bumubuhay sa AMA. Kung wala ang mga mag-aaral, wala ang paaralang AMA Computer College.

Ngayong darating na pasukan dahil sa nais nilang magtipid balak nila o ipapatupad nila ang “Web Cast” sa pagtuturo ng mga minor subjects. Ano ba ang web cast? Ang web cast ay ang tipo o uri ng pagtuturo gamit ang computer na nakakonekta sa isang computer network. Hindi masama ang pagtuturo na gamit ang computer bilang isang pantulong na medium of instructions subalit ang masama sa nais ipatupad ng AMA ay ang pagtuturo gamit lamang ang computer at wala ng ang guro na siya dapat na pangunahing magtuturo. Ito yata ang implementasyon ng teknolohiyang “Robotics”, nais nilang ang mga mag-aaral sa AMA ay maging parang mga robot.

Kaugnay ng implementasyon ng “Web Cast” hindi na kakailanganin ng AMA ang mga guro upang magturo ng mga minor subjects. Ang ibig sabihin lamang nito ay isa na namang serye ng “tanggalan blues” sa AMA. Hindi na nga nila pinapasweldo ng maayos o ang iba sa mga guro ay hindi talaga pinapasweldo, tatanggalin pa nila sa trabaho ng wala man lamang sapat na dahilan at sapat na panahon upang makahanap man lamang ng panibagong trabaho. Hindi man lamang nila inisip na halos lahat sa mga guro sa AMA ay mga pamilyadong tao o kung hindi man ay siyang sumusuporta sa kanilang pamilya na kapag natanggal sa trabaho ay maaaring tumigil sa pag-aaral ang kanilang mga pinapaaral at magutom ang kanilang pamilya dahil sa kagustuhan ng AMA na magkamal ng malaking tubo.

Binabanggit sa ibang guro na ililipat lamang sila sa ibang branch ng AMA, subalit ito ay walang katiyakang matatanggap sila sa ibang branch dahil kung ano ang nangyayari sa AMA Santa Cruz, Laguna ay ito rin ang nangyayari sa halos lahat ng branch ng AMA. Kung may “tanggalan blues” sa AMA Santa Cruz, Laguna ay may tanggalan blues din sa ibang branch.

Hindi na gumaganda at hindi na gaganda pa ang sitwasyon sa AMA kung hahayaan lamang na mangyari ang gustong mangyari ng Administrasyon.

Ang mga mag-aaral at mga guro ang pangunahing bahagi ng paaralan. Kung wala ang mga mag-aaral at mga guro, walang paaralan.

Kaya panahon na upang makialam, kumilos at ipakita na ang mga mag-aaral at mga guro ay may lakas upang ipagtanggol ang kanilang mga lehitimong karapatan. Panahon na upang ipakita na ang mga mag-aaral at mga guro sa AMA ay hindi mga “Robot”.


MGA MAG-AARAL AT MGA GURO,
MAGKAISA, MAKIALAM AT KUMILOS
IPAGTANGGOL ANG KARAPATAN!

 

Katiwalian sa AMACLC Lagro by Lorielyn

Another revelation from my_dahling_babe@yahoo.com an employee of ACLC Lagro.

Nasubukan niyo na bang makita ang isa sa pinakabulok na ACLC? Yan ang AMA Lagro! well, sunod lang naman kme sa CUBAO at COMMONWEALTH. Kc ba naman, ang panget ng facilities. Bulok na yung mga PC, pati mga empleyado, bulok pa!

Bwisit na Lagro yan! Akala ng mga taga-Admin, kung sino silang magaling. Yung registrar, isang CORRUPT! Si Beth. Alang ginawa kundi kawartahan yung mga estudyantye. Pag bagsak ka, hihingan ka ng lagay, at yun, ok na ang grade mo!

Isa lang yan, sunod naman ay siyempre ang ever pa-cute na si CHARI! Kabait nitong Education cordiantor na ito, at naging School Director pa! Akalain mo yun, puro new ideas daw, pero puro pakikipagplastikan lang naman ang alam niya. Di siya marunong makipag kapwa tao. Nagtayo ng NETWORKING, yung OWE! they owe your money. he he he.... kc po nag recruit, kundi staff, mga estudyante. Pabago bago ng schedule, Kapwa kasamahan, sisiraan para lng masolo niya ang posisyon. Pag sila may kelangan, todo ngiti! Pero ano ang totoo, pinagtsitsismisan ka na sa ADMIN! Ang ADMIN, kunwari, laging naka smile, pero puro sira ang ulo! Nakakbwisit! Lalo na si CHARI! Plastik! Strikto kuno. HInayaan yung registrar na mangurakot kc magkumare! Ang taray db?

E si Joy? Siya ang cashier. Ok sana to e, pero ang masama, kunsintidor. Papasahurin ang ADMIN pero ang Faculty, hindi! Dahil inutusan ni CHARI! pati TIN, alang maibigay. Nagbabayad kaya talaga sila? Hirap mag-loan kc ayaw nilang tulungan ka!

E si Ian? Ok si Ian kaso hunyango na mahilig sa balimbing! Pag kaharap ka, kampi sa yo.

Si Olan ang butihing Lab Facilitator! Magaling to! Graduate ng two year course, pero di nawalan ng trabaho dahil kay Chari! Ikinasal sa isang ESTUDYANTE! Opo, isang estudyante. Bawal yun db? Pero sa Lagro, pwede yun basta malakas ka kay CHARI! Malay mo, baka ninang pa ito sa kasal nila db?

Lahat ng ADMIN dun, sakop ang negative adjectives. Makasarili!

Yan ang lagro,mahilig sa Under the table at palakasan system! Asan na kaya yung may-ari nitong franchise na to? Siguro ka-close ni CHARi!

Thursday, September 09, 2004 

AMACC Sta. Cruz Exclusive by Jenny

A former AMA SCL employee speaks out . Very soft revelation but very truthfull because I witnessed these incidents, too.

first of all, let me laud Mr. Panela for his bravado (if it is you Sir Jeff)...

gaya ng iba dito...dati rin akong taga-AMA... ang napansin ko agad ay yung may dalawang grupo sa AMA...(im talking about the employees of course)... ang grupo ni Dabao at grupo ni Sir Jeff... Kaunti lang ang nasa Grupo ni Sir JEff.. sya, ang gen sec, ang HR, ang librarian at ang OSA... kasi lagi sila pinagt-tripan na patanggalin ng grupo ni Dabao...ewan ko ba, kung bakit ganun na lang sila ka-insecure sa lima na ito... wala naman masama silang ginagawa... makatao at maka-estudyante ang palakad nina Sir Jeff... pero di lahat ng faculty eh kampon ni Dabao...may ilan dyan na mababait at may prinsipyo

Ung accounting supervisor, galit yun sa HR at kay Sir Jeff kasi they hired the new OSA... kasi pala may utang sa kanila...kumuha ng component system na binigay sa kabit at gumamit ng tseke ng AMA (katotohanan lang po...ipagtanong nyo pa)!!! aba, 2 weeks pa lang ang OSA, may pinapagawa ang accounting supervisor sa OSA na hindi naman sakop ng trabaho ng OSA... gusto nila palabasin na incompetent ang bagong OSA... oo nga't bago, di naman bobo!!! matagal bago nya nakuha ang loob ng mga estudyante, pero nagawa nya ang gusto nila.... under Sir Jeff, nagkaroon ulit ng Student Council, nagkaroon ng boses ang mga estudyante... at dahil sa bagong OSA, lahat ng kanilang hinaing eh napakinggan... oo, natanggal si Engr. REbong kasi napatotohanan na sya eh nag kick back sa field trip nila sa enchanted kingdom... aba, patotothanan ba ng Enchanted Kingdom na pumirma sya sa FREE TICKETS na nakuha nya at ginamit para sa mga kamag anak nya...di lang yun... nakakuha ng kopya ng libreng ticket at ginamit na ebidensya ang mga nag reklamo... oh di ba injustice sa mga estudyante yun... kaya salamat OSA at HR sa ginawa nyo...

ayun...naging napakasama ng OSA sa paningin ng kampo nina Dabao... kaya kung anong kaso na lang ang nilalabas nila... incompetent, nakikipaglandian sa studyante... hay naku... eh ang mga estudyanyte eh close na sa OSA, kaya lahat ng naririnig nila eh sinasabi sa OSA, at si OSA naman eh sinasabi sa HR at kina Sir Jeff... pinagtatawanan lang nila kasi alam nilang wala silang pinagbabasehan....

tapos...bigla na lang, nawala si Sir Jeff... at pinagmamalaki ni Dabao na dahil sa lakas nya sa HO lalo na kay Rioveros kaya natanggal agad si Sir JEff... naku, heto na at nagsasaya ang kampon ni Dabao... si Dean Leido ang substitute SD noon...hay naku, walang alam sa pagpapalakad... puro para sa faculty ang ginagawa nya... wala para sa estudyante... tapos dumating si Sir Noel... naku... ang bilis ng mga galamay ng kampo ni Dabao...regaluhan ba naman ng washing machine (ewan ko kung natuloy pero yun ang balak nila ibigay) si Sir NOel...

Mabait si SIr Noel pero faculty lang din ang kanyang tinutulungan... kawawa na naman ang mga estudyante... pero teka...baket panay ang tanong nya sa OSA kung kelan sya mag re-resign??? Kasi, ang OSA ay malaking tinik para kontrolin ulit ng faculty ang mga estudyante... eto na lang eh... may phone call ang OSA sa dean's office...sumunod ung isang estudyante para magpapirma... sabihin ba naman ni Sir Villafranca na "baket ba kayong mga estudyante eh buntot ng buntot sa OSA? Para kayong mga sisiw na sunod ng sunod sa kanya!" o diba...senyales na natatakot na sila sa hawak ng OSA sa mga estudyante... kaya kelangan alisin ang OSA... hay naku... kung ano ano kasing reklamo sinasabi nila na walang basehan...ayun... sino ang may kaso??? ang accounting supervisor po!!! magpadala ba naman kasi ng mga taga-HO sa branch... eh di nabanggit ng konti ang tungkol sa tseke... hehehe... laking gulat nila... aba, hindi daw totoo yun at kung anu ano pa... eh may ebidensya...pano nyo maitatanggi??? hala! tanggal ang accounting supervisor... asan ang sinasabi ni Dabao na lakas nya sa HO??? hindi nila naayos yun... HAHAHA

So anong ginawa nila? Chismis galore!!!! pinagkakalat nung asawa ng natanggal na accounting supervisor na ang HR daw eh malaki ang utang sa kanya (uh, HELLO!!! sa lending company po may loan ang HR hindi sa kanya...collector lang sya... sya nga eh, ginamit ang pangalan ng HR para umutang...oh, FRAUD yan ah), yung librarian daw laging wala sa library, yung OSA it-terminate daw at yung Gen Sec eh pokpok at hindi nagp-panty (kasi naka T-back sya..mga tanga)...oh biruin nyo yun....kung ano ano na lang ang sinasabi nila...

balik tayo kay Sir Noel... baket hindi nya sinasabihan ang OSA na may recognition ceremony para sa mga board passers ng IE? Aba!!! kung hindi sinabihan ng isa sa mga VP si OSA... eh di no show sya... bad record yun... eh di napahiya na nman si sir noel at dean leido, kasi nabuko na namna sila... hmmm, panay na namn ang tanong kay OSA kung kelan sya aalis> ahh kaya naman pala... pupunta na ng Amerika ang OSA... pero teka... baket nagmamadali si sir noel...ahhh, kasi nag aaply ang dating faculty member na si Ms. Madridejos.... ngyeks... baket yan ang gusto nila ipalit na OSA? eh wala naman mabuting ituturo yan kundi manigarilyo at tumoma (at balita namin, may boyfriend na estudyante yan noon bukod k sir arthur)... pero salamat OSA, kasi inayos nyo muna pangangailangan ng mga estudyanyte bago kayo umalis...

BOTTOM LINE - - - bulok na bulok ang patakaran sa AMA -SCL... dahil sa mga bobong namamalakad (buti nakakapagtiis pa ang HR at Librarian dyan!!!) kaya di na sorpresa kung bankrupt na ang AMA... puro kasi kayo porma wala naman common sense...

kaya Sir Noel, Dean Leido, mag-isip isip na kayo..sarili nyo lang ba ang dapat nyong isipin? tandaan nyo, ang trabaho nyo at desisyon nyo eh makaka-apekto sa maraming tao, ang mga estudyante, marapat din ninyong isipin na ang mga estudyante ang nagpapasweldo sa inyo... kaya dapat ninyo silang protektahan, ingatan, ... dahil pagdating ng panahon, sila rin ang makakatulong sa inyo...

NOTE para dun sa so-called alumnus na sinasabing wag sisihin ang AMA - - - oo may point ka na nasa estudyante nga ang pag asenso...pero di mo kasi alam ang palakad ng AMA... na kung minsan hindi sumusunod ang ilang empleyado sa utos nila para sa kapakanan ninyong estudyante...pero syempre, iilan lang na empleyado ang gumagawa nito...pasalamat ka na lang at graduate ka na at hindi mo na dadanasin ang pagbagsak ng AMA.


Just a follow up:

sample ng kahayupan ni Dabao sa mga students: (alam ko ito kasi, na-witness ko ito...)

may isang babaeng estudyante na ,late ng kaunti, pumasok sa classroom na medyo sexy ang blouse na suot... sinabihan sya ni Dabao dahil sa pagiging late at sa kanyang suot... nung lumabas si dabao ng classroom para kumuha ng ilang gamit nya, nagsalita ang estudyante ng "F**K"!!! may mga ilang estudyante na sipsip kay Dabao na nagsumbong at heto ang ang kanyang sinabi sa pobreng estudyante "alam mo ba ang ibig sabihin f**k? hindot! palibhasa hindot ka...mahilig ka magpahindot!!!" naturalesa umiyak at napahiya ang estudyante... tama ba yun? isa kang guro... pinagmamalaki mo pa na doctor ka... tapos ganyan mo sasabihan ang estudyante... aba! eh malala ka pa sa isang mumurahing pokpok... kala ko pag edukado...civilisado (civilized)... aba alam nyo ba??? pinagmalaki pa nya sa OSA na yun nga ang sinabi nya... nakakaloka!!!

dapat pinagsasabihan din nya si Rosalie Balmas... ang katangi-tanging pokpok ng AMA!!! kasi po, nakaka-distract sya pag nagtuturo... sa sobrang ikli ng kanyang palda, lumalabas ang kanyang kuyukot!!! nakakasawa na ngang tignan eh... at sobrang PDA sila ni Sir Bong Villafranca... susmaryosep!!!

si dean leido... ewan ko ba kung bakit naging dean yan... sunud-sunuran lang naman sa gusto ni dabao yan eh ( ay, oo nga pala... pag may dumadating na taga-CHED, si dabao ang pinakikilala na dean!!!) at naalala ko pa ang sinabi ng dating admission assistant na si sir shoji "mas mataas ang posisiyon ni Dr. Dabao kesa kay Dean"... ha?? kelan naging mas mataas ang posisiyon ng faculty sa Dean??? nayku...sobrang baluktot ha!!!

hmmm sino pa ba??? wla pa ako ulit maisip eh.,, next time na lang ulit...feeling ko marami akong mailalagay dito...

Wednesday, September 08, 2004 

New Teachers of ACLC San Pablo City

A student from ACLC San Pablo emailed this article and requested for a post. Medyo parang sinulat niya sa cellfone ang laman dahil sa abbreviations niya. Maganda ang laman kaya ini-edit ko na lang. I am totally disheartened at the content of his/her email. This clearly shows how AMA is an agent of the deterioration of the Philippine's Education System.


Sir/Ma'am:

Nagulat ako nung mag enroll ako sa ACLC San Pablo. 2nd year na po ako at graduating na ako kaya no choice ako but to enroll and tapusin na lang kung ano pa ang natitira sa mga subjects ko. Bago matapos ang 1st Trimester ngayong 2004-2005, marami po ang nag apply na teacher dito sa ACLC San Pablo. Akala namin ay dahil tumataas na ang enrollment, pero nagulat kami nang maubos yung mga teachers namin, magagaling po ang teachers namin lalo na sa programming. Nakakalungkot, pero tinanggap na lang namin yun. Ang hindi namin matanggap ay yung mga bago naming teachers. Meron po isang teacher na nag ngangalang "Aphrodite"... na nag teaching demo at naging katawa-tawa dahil hindi niya alam ang ibig sabihin ng "router". Comp Sci graduate daw siya ng AMA Makati pero ayon sa kanya, ang router daw ay nagtratranslate ng binary data to english. Putang ina! Hindi ko matatanggap yun!

Ayon sa aking napag aralan at sa mga libro, "a router is a device or, in some cases, software in a computer, that determines the next network point to which a packet should be forwarded toward its destination. The router is connected to at least two networks and decides which way to send each information."

Kahit yung pinsan kong 16 yrs old sa America, alam ang ginagawa ng router. Pero lintek! Si Aphrodite (babae po siya) ay graduate ng comp sci, pero di niya alam ang router! May nakausap po akong dating teacher, sinabi po niya sa akin na si Aphrodite daw ay bumagsak sa teaching demo... maraming mga simpleng tanong daw ang hindi masagot. Pero bakit siya nagtuturo ngayon sa amin?? Ano ba ang nangyari at tinanggap siya? Malakas ba siya sa HR namin? Ang HR po namin ay si Shiela Dumaraos.

Ganun din po ang mga reaksyon ng ibang mga estudyante sa mga bagong teacher namin.. puro mahihina daw at mukhang walang alam. Kami po ay nagbabayad ng sapat na tuition fee, pero bakit ganitong klase lang ng teacher ang ibinibigay ninyo sa amin?? Kung pwede lang, paki imbistigahan lang ang HR namin. Mukhang palakasan lang ang nangyayari kaya natanggap yung mga bago naming teacher. O baka naman wala na talaga kayong makuhang teacher kaya tama yung sabi nung gumawa ng website na ito na kinukuha nyo lang sa tabi-tabi ang mga bagong teacher? Sana mabasa ito ng CHED!

 

Who is Lilia Damasco?

A request came from magdalo1973@yahoo.com to post this article:


Pls create a special topic for this:

Comments posted in AMA's defense may have come from
among the AMA IT personnel, AMA executives, lilia
damasco and her audit team or the media practitioners
under AMA payroll.

Let's be honest, in 2 years or less, AMA will be
managed by some banks. AMA could have saved its
operations only if the mngt had been HUMANE!! ARA may
have been a better entrepreneur if he hadn't listened
and maintain the services of greedy officers behind
him. He should have terminated the services of Lilia
Damasco. They say Patrick Asansa is the meanest person
in AMA, my friends and I disagree. It's LGD.

See what's happening to AMA Bahrain, it's operating
successfully. Why? It's because there's no Audit staff
assigned in that country.

ARA may still save his business if he primarily thinks
about the welfare of the people - ON AND OFF CAMERA!

Monday, September 06, 2004 

Voice of an ABE Employee

I just read this from one of the comments from an ABE Employee of AMAES. I think that employees of all AMA units deserve to voice out their complaints.


Is there anybody from ABE (Affiliate of AMAES) who can tell their story? Malamang hindi pa alam ng taga ABE ang site na to. Anyway, Gusto ko lang pong ipabatid sa inyo ang hindi makataong naging pagtrato sa mga employees ng ABE. Although the story is not in complete details but i will try to share with you the summary.Nagsimula ang lahat ng maging konti na ang nageenroll sa ABE campuses nationwide kung kaya the management decided, without informing those who were affected, na i-transfer na lang ang mga students nito sa kalapit na AMACC Campus. Nag order ang management na hakutin lahat ang mga kagamitan ng ABE para ilipat sa AMACC ng hindi man lamang nalalaman ng mga employees nito na wala na pala silang papasukan pagbalik ng campus. Karamihan sa kanila ay pinilit pumirma ng termination notice para raw makareceive sila ng separation pay. Yung iba naman eh napaniwala sa pangakong magresign na lang at irere-hire din agad. Ang masakit po nito eh sa kabila ng illegal na pagtanggal sa mga empleyado eh hanggang ngayon ay hindi pa nila nakukuha ang sinasabing separation pay.Ano naman ngayon ang mangyayari sa mga AMACCC Employees na kung saan eh pinagtapunan ng mga ABE students? Hindi ba't marami din ang binawas na employees sa AMACC? Nabawasan na nga ng empleyado eh dinagdagan pa ng trabaho? Ni hindi man lang binigyan ng pagkakataon na makapag turn over ng maayos ang mga tinaggal na empleyado. Oo nga't nasa policy ng AMAES na kailngan ng turnover para sa kanilang clearance pero sino ba naman ang makakapag turn over ng maayos kung ora mismo ay bigla mo na lang malalaman na wala ka na palang trabaho? Sa panahon ngayon na hindi madaling maghanap ng trabaho ay isang napakalaking kahayupan ang pinaggagawa ng AMAES na yan. Kung ako na hindi personal na naging biktima ng kahayupan nila eh nanggigigil sa galit eh lalo pa kaya yung mga biktima nila? Ang masasabi ko lang eh kung ayaw nyo man na ireklamo pa ang kahayupan na ginawa nila sa inyo ng employer nyong ABE eh ireklamo nyo man lang ang pagrelease ng separation pay nyo at garantisadong makukuha nyo ito ng mabilis.



A follow up from zhivago662002@yahoo.com:

The truth about AMA.

To anyone who reads this site, sabihin nyo sa mga estudyante ng AMAES para wag na silang mag enroll sa lahat ng AMA school. Regarding the midnight closures of some ABE branches, this was brought about by the reaction of the student themselves of ABE not to enroll anymore in ABE because there are many courses that have no permits from CHED. Why study in a school, pay exorbitant fees, toil for more than three years and then only to know upon graduation that you cannot even have your transcript of records and diploma?Reason: hindi talaga bibigyan ng CHED ng special orders dahil nga wlang government recognition yung mga courses. Sabi nga ng isang contributor dito, enroll lang ng enroll, maski walang classroom, walang faculty, walang computers, walang permits, walang laboratory equipments, basta may PERA na mapunta sa kumpanya!!! For many ABE branches that closed this was the case, katulad din ng mga AMA branches.Kawawa talaga mga estudyante at magulang.

AMA is just a name, nanjan lang yan noong nag BOOM ang computer education kaya lumaki yan. Pero when it comes to quality education, zero. Why? because the primary goal of AMA is to make money, money, and more money...at the expense of everything and everyone, including its employees and funny, even at the expense of its students, their customers!!!. As one CHED official puts it...'Sinira ng AMA ang educational system sa bansa, wala ng social responsibilities sa students and community, ginawa talagang negosyo'.Of course there's nothing wrong in making money, but ARA u sure are in the wrong business.Wla talaga akong kilalang may ari ng companya na sinusumpa ng lahat ng empleyado nya.

The only thing thing that remains that sets AMA schools apart to live up to its name is the...faculty, the caliber of the faculty. Computers? School equipments? lahat luma yan. Pero ano ginawa sa mga magagaling na faculty para makatipid? Tinanggal lahat. Tapos mag hire ng mga new graduates para mas mababa ang sweldo. So paano mo ngayon sasabihin na quality education at magandang mag aral sa AMA? Wag na kayong mag aral sa AMA, maawa kayo sa mga magulang nyo o sino man ang nagpapaaral sa inyo. Any other school would be better. Sa mga empleyado ng AMA, you deserve a better company, but this AMA company is hell, run like hell!!!

from port_gen840

 

Follow up on the SCOOP article

A follow up from a previous comment in this website:

hello... actually i was the one who emailed "the scoop" ur saying... anyway, yea i worked w/ AMA as 1 of their so called manager lang, pero it just so happen that i know a lot things regarding s plakad ni ARA at s personal nyang buhay... The girl im refering is w/ a name of "marge". ARA has 2 sons w/ her, pinag kalayo layo ng girl ung 2 sons nya dahil nga s ugali ni ARA, on her own words, "NAPAKA WALANGHIYA" daw tlga ni ARA!!!! up to now di alam ni ARA kung nsan n ung "other" family nya. Ayaw n nga raw kc nung girl magkaroon ng kaugnayan whatsoever dun s pamilyang aguiluz. Well thats the other side of the story, c ARA ay kilala in business circle as , and i quote " BALASUBAS ", "KONYONG MANLOLOKO", "MANDURUGAS" etc etc.... halos lahat e na linlang nya... and daming utang ng AMA s iba't ibang bank, ( i should know coz im working in bank institution now ), so tlgang fake ang pina pakita ni ara s lahat, maging empleyado or students ng AMA... for our students @ AMA, heto p isang dapat nyong malaman, alam nyo b n kahit magka bagsak bagsak kyo s AMA e tatangapin ulit kyo dahil kinakailangan lang ng # of students pra ma hit ang target, kese hodang puro' 5 ang grade e ok lang s AMA basta kelangan bayad kyo ng tuition... heto p, d b kya nagtataka at halos the whole yr e continous ang enrolment s AMA, pano may hidden motto ang AMA, "ENROLLMENT ALWAYS ON-GOING" pano kelangan ng pera pra pampasahod kila (klb- karim l. bangcola), ear - ernesto a. rioveros, jtm ( i 4got the name of this "pilay officer" and pta - patrick azansa... nakita ko p nga tong mga tong uma attend ng mga rotary club meetings, at heto pa, akala ng mga ksamahan nila s rotary e tlgang gus2 nilang mag member, di alam ng rotary e kumukuha lang ng mga koneksyon tong mga to pra di sila cguro mabukain, right jtm and sullivan ( heto ang sukdulan ang sip sip kay ARA )... ang lakas p nga ng loob ng mga yang magsalita kahit s harapan ng madaming tao n, i qoute again "KUHA LANG NG KUHA NG MGA STUDENTS, SAKA N ANG MGA PERMIT, SAKA N MGA TEACHERS, BASTA IMPORTANTE E MAY STUDENTS" Tapos, ang kakapal p ng mukha ng mga yan, kapag nag co-corplan, kesyo mag plepledge s harapan ni ara n ma hihit ung mga target given, yun pla isasara din mga branches nila ( di mr. sullivan?) may pa sign sign p kyo ng covenant!!!! hahahaha... tapos tangal din mga empleyado mo..... san k b naman nakakita ng paaralan n lahat ng student n gus2ng pumasok s AMA e pwede, kahit "BAGSAK" p score mo s entrance exam, ayos lang yan, kc bwat student and tingin ng AMA e 22 thousand kgad yan, kya wlang babagsak s AMA... heto p, magpupunta ng mga iba't ibang high schools yan tapos kukuha lang ng "database" ng mga students pra pagsusulatan, kesyo endorsed daw sila ng community... ugok nyo.... tignan nyo mga permit n nkasabit s ADMISSION ofc ng campus nyo, puro's luma n ang permit n nksabit dun, ang sagot lang s inyo e heto, "for renewal pa e"... hehehehe, e ilang taon b magpa renew? diyos ko, ang sabihin nyo e bagsak lahat s ched ang mga courses nyo kya ayaw kyong bigyan ng permit. Pano, san k b naman nakakita ng skul n naghihiraman ng libro kpag may ched visitation? san k b naman nakakita ng hiraman ng mga gamit campus to campus.... hayop tlga s diskarte no, e kaso buking n ng ched, kya hayan, deny lahat... heto p nkktwa, tinangal halos lahat ng empleyado s campus tapos binigay s SD lahat ng responsibilty, kya nga matatawa k kapag may nakita kang "resume" ng SD ng AMA e, ang daming job description... wawa naman sila no, d bale mg sd's, huthutan nyo lang AMA hangang april tapos resign n, by the way, mag pa retrenched n lang kyo pra mabilis byaran kc, sbi ng ni "JTM" "retrench n lang kita para bayaran ka kesa erip"... hayop no,pag nag retire k di k babayaran... tsktsktsk... heto pa, sit edmund reyes, jtm and other boys ni ara, mag ingat ingat naman kyo s mga pinupuntahan nyo s gabi, e nakikita ko pa kyong nambababae.... ang kkapal ng face tlga... wag mag deny, kitang kita ko kayo, ang bata p ng ksma nyo.... if im not mistaken, timog ko kyo naita... hehehehe.... so much for today.... nang gigil n kc ako e... by the way, ARA, ung 2 anak mo s states, minumura k din!!!!!

Saturday, September 04, 2004 

Panawagan sa mga Estudyante

Someone claiming to be an alumnus emailed this to me and asked to post it:

Panawagan sa mga estudyante,

May nabasa akong isang comment sa website na ito na mukhang nagmula sa Head Office na nagsasabing:

"nasa estudyante na yan kung ano ang kahihinatnan niyo eh. Wag niyong sisihin ng sisihin ang eskuwelahan at mga desisyon nito..."

Sa aking palagay ay tama siya, kahit saang eskwelahan tayo mag aral, basta masipag tayo at mag ambisyon na umasenso ay siguradong magtatagumpay tayo. Noong estudyante pa ako sa AMA, hirap ang mga guro na magturo ng updated lessons pagdating sa computer. Since may kaya naman ako, bumili ako ng maraming libro at magazines dahil ayokong masayang ang bakanteng panahon ko. May isa akong paboritong teacher doon na napakagaling sa computer at siya ang nag advice sa akin na bumili ng mga libro (nakakalungkot dahil hindi na siya nagtuturo ngayon.. di ko alam kung tinanggal siya o nag resign sa AMA).

Bottom line.. sundin ninyo ang payo nung nasa Head Office. Hindi spoon feeding ang pag aaral.. nasa sa inyo na raw ang kahihinatnan ninyo. Ibig sabihin kahit saang eskwelahan kayo magpunta, aasenso kayo kung gusto niyo..

Bilang alumni ng AMA, at sa mga naranasan ko sa AMA, ang payo ko.. lumipat kayo sa mas siguradong paaralan.. yung hindi basta-basta nagsasara.. dahil uulitin ko.. ang tagumpay ay nasa inyo, wala sa paaralan..

Friday, September 03, 2004 

Reklamo sa DOLE

I was browsing the website of DOLE and found several complaints against the AMA System.. I think the contents of the site is worth posting here.

From a certain CHARLES:

lam nyo ba DOLE, may ichichika ako sa inyo, tungkol sa pagsasara ng lahat ng ACLC branches na walang pakundangan at d makataong sapilitang pagsasara ng ACLC Branches, kumakailan ang ACLC Valenzuela at ACLC Lucena ang sinara nila, kwento ko lng ng istorya una hihingan ang mga branch na isasara ng manpower inventroy at fixed asset den syempre secret yun at may pupunta na taga head office para cla ang mag-operate ng pagsasara ng branch ang name nito ay Jeremia Rosaria - Area Director na nagpapagamit sa (AMA) Amable R. Aguiluz- Chairman at yung Vice President ng ACLC na c Charles Danter Sullivan yan ang mga kriminal dahil sa walang awang pagsasara dahil biglaan nilang gnagawa ang pagsasara ng branch so, mga after office ng friday or maybe saturday nila isasagawa syempre yung wala ng empleyado at studyante kc ayaw nga nila ipaalam sa mga studyante na isasara ang branch kc alam nila na magkakaproblema cla sa student mistulang walang takot ang gnawa nila sa studyante imbis na cla hindi mahirapan sa pagpasok ehh ililipat cla sa pinakamalapit na branch at dun cla itatapon ng sapilitan syempre ala magagawa ang mga studyate, u know dapat dole hindi na dpat bigyan ng lisencya ang AMA kc cla ang salot sa mga kabataan na gustong mag aral pero cla ang kumikitil nito ok lang sana kung kinausap ng maayos ang mga ito me hindi nga alam na isasara ang valenzuela magugulat k nlng sa pagpasok ng empleyado ehh wala ng gamit na para bang ninakawan at syempre magugulat din yung studyante dhil wala nung skul nila, malakas kc yung loob ni Amable R. Aguiluz kc nga nmn yung kanyang manok na c GMA eh nanalo syempre matatakot kayo na aksyonan ito so kung magkakaganun pinakita nyo lng smin na ang katarungan at karapatan ng bawat isa ay wala sa mga kamay nyo so meaning dapat kayo nmn ang isara kc ala na rin kayong silbi dyan sana maging hamon sa inyo iyo.. at meron pa kayong time para imbestigahan at patunayan na totoo ang chinika ko sa inyo.. sa wednesday maybe ang susunod ehh ang ACLC Buendia, at isa katatapos nga lang nila sa ACLC Pasig, sunod sunod ang gagawin nilang pagsasara at wala ring kasiguraduhan na makukuha ng mga empleyado ang nararapat sa kanila kc sanay ang AMA sa stapa o takbuhan gaya ng ginagawa rin nila sa mga lessor nila syempre puro pangako cla na babayaran nmin kayo.. pero d nila alam tatakbuhan na cla nito... nakuhh ang AMA cnusumpa na nang lipunan yan at sinusuka na kayo nf studyante at mga magulang nito.. maraming salamat kung aaksunan nila ito... basta tip ko lng bantayan ninyo ang mga ACLC branches dahil cla nmn ang susunod... so paalam.. na...

source: http://www.dole.gov.ph/phpBB2/viewtopic.php?t=407


From a certain ANGELA:

to the moderators, i am one of those affected by the sudden closure of AMA Computer Learning Centers. i would just like to ask if it is legal for a company to close their offices without informing their employees? kc po we were not informed beforehand of the closure that will be made kaya nagulat na lang kami pagpasok namin naka-padlock na yong branch at nasa labas na yong taga HR head office at inabutan kami ng termination papers.... legal po ba yon? even the students were surprised to learn that their school had been closed samantalang pumasok pa sila the day before... if we would like to file charges, ano po bang charges ang pwede naming i-file as employees? i've been serving this company for more than 5 yrs tapos they don't even have the decency to tell me straight na mawawalan na pala ako ng trabaho the following day... please help.... hoping for your urgent response...

source: http://www.dole.gov.ph/phpBB2/viewtopic.php?t=408&sid=3b61ef560eabad9803ee89998f4c9ad5


Thursday, September 02, 2004 

Komentong pang Headline

Isa na naman pong magandang komento ang aking natunghayan sa isang artikulo dito sa website na ito.. bigyan pansin po natin ang kanyang pahayag mga kasama:


Sa dami cguro ng mga biktimang empleyado na tinanggal at tatangalin pa ng AMA eh nakasama na ang mga tangang empleyado na nagpagago at nagpagamit kay Aguiluz para ipagtanggol sya sa mga nakaraang negative but purely true statements about ARA and AMAES which were published thru DOLE websites and other internet sites. Actually marami sanang gustong gumanti at pabagsakin ang AMA para wakasan na ang pambibiktima nila kaya lang minabuti na lang na manahimik muna para sa kapakanan ng iba pang naiwang empleyado na hindi naman agad or hindi magiging madali ang paghanap ng bagong trabaho. Pero ngayon na mismong ang AMA na ang nag-aalis sa mga tapat at matyaga (yung iba naman eh mangagagamit lang din naman) na empleyado eh malamang na maglabasang muli ang mga ito. Malamang na ito na ang magiging katapusan ng AMA dahil higit sa lahat ay hindi man gumawa ng hakbang ang mga biktimang empleyado ay matututo na ang mga kawawa ring estudyante na ipaglaban ang kanilang karapatan para sa tamang edukasyon at sapat na kagamitan at mga pangangailngan sa pag-aaral. At dahil halos wala ng natitira pang mga empleyado sa AMA ay lalong hindi na mtitino ang sistema nito kaya dapat lang na malaman ng mga estudyante kung dapat pa ba silang mag aral sa AMA.

Aminin man natin at hindi ay talagang mas marami pa ring tao ang nalilinlang ng AMA dahil sa mga advertisements nila na hindi naman totoo. Marami nga akong natatanong at nakakausap na ibang tao na sa tuwing malalaman nila na galing ako sa AMA eh bilib sila sa akin kc maganda raw ang AMA. Ang hindi nila alam ay walang ipinagkaiba ang AMA sa mga pulitiko na magaling lang sa pagpapabango pero bulok din naman ang naturalesa.

Para sa mga makakabasa nito, kaligayahan ko na ang kayo'y imulat sa katotohanan at kung hindi man kayo apektado personally ay hiling ko lang na maging responsable kayo na ipaalam sa mga posibleng tao or estudyante kung ano man ang posibleng abutin nila kapag naging bahagi ng AMA EDUCATION SYSTEM.

Paalala lamg mula sa BIBLE: gumawa ka man ng masama o wala kang ginawa, pareho pa ring hindi gusto ng DIYOS natin na nakamasid palagi sa ating lahat.

Wednesday, September 01, 2004 

GRABE!! SCOOP ITO!!!

Nakita ko ito sa isa sa mga comments sa isang artikulo dito sa webpage na ito.. Di ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ng iba... sa aking palagay mataas ang katungkulan ng nag komento nito dahil alam niya pati personal na buhay ni Aguiluz... teka sinong Aguiluz ba?

Eto ang kanyang reaksyon:

i was once an employee of ama... and i'll tel u this, malapit n tlga ang pagbagsak ng AMA. we all know why, first and foremost, halos lahat ng courses nila e wlang "permit", ibig sabihin illegal ang mga tinuturo s mga bata... na kapag gradutae nila, lahat dapat ng transcript e ang pipirma dapat e ang registrar ng amacu dahil ung mga courses lang nila ang recognized ng ched.... heto pa, papalitan p mga address ng mga students s transcript para kunwari e tlgang nka enroll s amacu instead s iba't ibang branch ng ama... alam n din naman natin n ang "lahat" ng SD ngayon s AMA e nagtyatyaga n lang s kanilang trabaho dahil kumakabig n lang sila ng sahod (30K) kada buwan, tapos pagdating n lang ng april or may sasabayan n nila ng resign dahil imposibleng ma hit ang target na binigay nnman ng punyetang AMA yan... heto pa, tangal sila ng tangal ng tao pero hindi naman binabawasan ang mga sinasahod ng mga "executives" s ama, punyeta, 200K/ month b naman sila klb,ear, jtm at ang paborito ng lahat, c pta!!!! heto lang msasabi ko kay "aguiluz", matanda k na, pag ikaw e namatay, wlang ni 1 empleyado ng companya mo ang iiyak s libing mo... no wonder iniwan k ng babae mo na itinago ang 2 mong anak s states... kala mo di ko alam yun... aguiluz, kilalalang gahaman at wla kang kwentang tao ng LAHAT ng empleyado mo... kala mo di k nila minumura.... may you rest in peace!!!!!

 

Hindi diyos ang mga Guro

Masyado yatang mataas ang ekspektasyon ng AMA sa mga guro. Tama ba na bigyan ang mga guro ng 30 units na load para maging full time? Ito ba ay legal ayon sa patakaran ng CHED? Ang ibig sabihin nito, ang 3 units na subject ay may 3.5 hours per week.. na kung i-total natin, 35 hours per week magtuturo ang mga guro. Anak ng tokwa.. eh tayo ngang mga estudyante kapag may 18 units na load ay nagkakagulo na.. 30 units pa?? Hindi diyos ang mga guro! Hindi ba ito naisip ng mga tangang nagpanukala sa pamunuan ng AMA? Alam ba ito ng CHED? Sabagay, may nagkwento sa akin na yung mga inspector ng CHED na bumisita sa Sta. Cruz eh iniiwas sa mga guro.. hindi pinaakyat at bagkus ay pinameryenda na lang.. Bakit? may dapat bang itago? Ganito din ba sa lahat ng mga sangay ng AMA? Natatakot ba silang mag salita ang mga guro sa CHED? Nagtatanong lang naman.

Balik tayo sa loading ng subjects... may research sa University of Chicago na nagsasabi na ang isang guro, para makapagturo ng maayos sa loob ng isang oras ay nangangailangan siya ng 3 oras na paghahanda.. Ang ibig sabihin nito, kung 7 oras magtuturo ang mga guro sa bawat araw, nangangailangan sila ng 21 na oras na paghahanda.. so.. 21 plus 7 is equal to 28... eh 24 na oras lang ang isang araw! Ibig sabihin, kailan man ay hindi maibibigay ng guro ang the best niya sa pagtuturo... At tayong mga estudyante na naman ang lugi sa ganitong sitwasyon.. Bagsak na talaga ang kalidad ng edukasyon ng AMA!

Mailing List

Shout Box

Sponsored Links

Powered by Blogger
and Blogger Templates