Web AMA System

« Home | Mga Sari-Saring Reklamo sa AMA » | The WEB CAST and Sta. Cruz issue by: Michael » | Katiwalian sa AMACLC Lagro by Lorielyn » | AMACC Sta. Cruz Exclusive by Jenny » | New Teachers of ACLC San Pablo City » | Who is Lilia Damasco? » | Voice of an ABE Employee » | Follow up on the SCOOP article » | Panawagan sa mga Estudyante » | Reklamo sa DOLE » 

Tuesday, September 14, 2004 

May pang Tuition ka pa ba?

Isang padalang artikulo sa akin ng nagngangalang: Kratus De Las Armas

Sa mga makakabasa ng artikulong ito, marahil ay medyo pamilyar na kayo sa quotation na ito "May Pang Tuition Ka pa Ba?", dahil nagamit na din ito noong panahon nagkaroon ng isang matinding tunggalian sa pagitan ng AMA at mga studyante. Gusto ko lang ibalik ang kahapon na sariwa pa sa aking alaala. Isang pangyayaring nagbuklod sa mga esyudyante at nagpakita na ang sama-samang pagkilos ng mga mag-aaral ay isang epektibong armas laban sa pagsasamantala ng mga naghaharing uri.

Isa din akong dating estudyante ng AMA, na ngayon ay nasa landas na ng pagtatrabaho. Gusto ko sanang bahagi sa inyo ang karanasan ko bilang isang mag-aaral. Taong 1998 noong pumasok ako sa AMA, siempre medyo pacute, at papansin pa. Gaya ng iba dumaan din ako sa kamay nina Mrs. Montejo, Mr. Villafranca sa Algebra, Ms. Maldo, Mr. Abad at siempre sinong makakalimot kay Sir Peraz, Ms. Chua at Mam Enal. Na mga kapwa ko masabi na magagaling ng guro saludo ako sa inyong lahat. Sa panahong ito tila unahan sa pageenroll kc baka maubusan ka ng subjects, kung hindi ako nagkakamali 8,900 pa ang full-payment ko noon(compare sa 20K sa mga freshmen ngayon) mababa pa di ba tapos sapat pa ang natutu2nan mo. Bagamat walang libro sa library, walang air-con, at wala pang permit to operate ang AMA noon, mga bagay na hindi ko pa iniintindi kc di pa ako apektado. With regards sa libro kc Pascal at C Language pa lang naman ang gamit ko noon, di ko pa kc alam na binabayaran ang aircon, at higit sa lahat sa permit eh hindi ko pa alam ang epekto nito sa akin. Sa loob lamang ng isang Sem eh tumaas mula sa 8,900 - 11,000 yung tuition ko malaki ang pagtaas di ba.Bagay na pinilit kong inalam kung bakit tumaas dahil nagrereklamo na ang nanay ko sa laki ng binabayaran. Ang sabi pa ng Nanay ko eh "Taon-Taon na lang ba tataas yan" mali ang nanay ko kc every sem nagtataas ang tuition. Second semester noon ng sumiklab ang unang welga sa AMA at sa history ng lahat ng paaralan sa Sta. Cruz, sa panguguna ng Student Council at ilang estudyanteng mulat at may paki-alam sa kapwa tao nila, sila yung mga mabubuting samaritano ng AMA kung baga. Matagumpay na na overcome ng mga student leader ng AMA ang laban, napabalik silang lahat at naging maayos ang takbo ng sistema sa AMA. Masaya noon sa AMA, maganda ang samahan ng studyante at guro, tila isang langit ang AMA noon, masarap pumasok dahil marami kang matu2nan, masigla ang buhay.Hindi din nataas ang tuition fee dahil andyan ang student council para humarang. Isang malaking kabaliktaran ang nangyayari ngayon dahil ngayon tila isang departmet store na ang AMA, na kung saan maraming damit ang ibinebenta na hindi naman kailangan at hindi ka makakapasok sa loob ng department store na ito kung wala kang 25-30K ok lang sanang magbayad kung nasusulit mo, eh ang problema sa AMA eh kung ihahalintulad natin sa isang lata ng sardinas, isa syang malaking lata ng sardinas pero wala namang laman. Nakakaawa tuloy tayong mga estudyante, sa halip na matuto tayo sa loob ng paaralan karamihan ay wala as in wala talagang matutunan. Bakit? dahil wala ng magaling ng guro at wala ng nagmomotivate sa estudyante para matuto. Naalala ko tuloy yung isa kong Instructor na nagtanong na "Who is the tallest mountain?" di ba nakakadiri? History teacher ka tapos "WHO IS THE TALLEST MOUNTAIN?"..Tapos may mga teacher pa na katulad ni A.M. na nagtuturo ng MultiMedia pero parts of the bosy at proper posture sa pagupo sa computer ang itinuturo. Ilang bagay na nakakalungkot. Kayo ba sangayon ba kayo sa ganitong sistema? I hope na hindi dahil kung hahayaan pa natin ang ganitong sistema tayo din ang mahihirapan sa pagdaan ng panahon na tayo na ang nagpapa-aral sa ating mga magiging anak... maki-alam.

SA MGA MAGAARAL NGAYON SA AMA STA. CRUZ (at iba pang sangay ng AMA -Admin), PANAHON NA PARA BALIKTARIN MULI ANG TATSULOK... SAMA-SAMANG PAGKILOS ANG SAGOT SA LUMALALANG KRISIS SA EDUKASYON.. KUNG HINDI NGAYON KAILAN?...

"ANG PUNO NG KALAYAAN AY PALAGIANG DAPAT DINIDILIG NG DUGO NG MAKA BAYAN AT TAKSIL SA BAYAN"...

UNTIL NOW HINDI PA ALAM NG PARENTS KO NA WALANG ASSURANCE DITO SA AMA COLLEGE IF WE GRADUTE..NAKAKALUNGKOT ISIPIN NA MAUUWI LNG PLA SA WALA ANG MGA MGA HIRAP AT GASTOS MO SA AMA..SANA NAMAN MAGING CONCERN DIN SILA SA MGA STUDENTS NA PINILING MAG ARAL SA AMA KESA SA IBANG UNIVERSITIES OR COLLEGES..BAKIT BA HINDI NILA INAASIKASO ANG MGA DAPAT IPROCESS PARA ASSURED ANG MGA STUDENTS AFTER GRADUATION.
THEY SHOULD HIRE DESERVING EMPLOYEE TO MANAGE AMA COLLEGES.

dati rin ako estudyante sa ama college san fernando pampanga and i found out na hindi masyadong marunong magturo ang instructor doon especially pagdating sa mga programming languages. tanong mo hindi ni alam kung paano sasagutin.

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Post a Comment

Mailing List

Shout Box

Sponsored Links

Powered by Blogger
and Blogger Templates