Web AMA System

Tuesday, August 31, 2004 

Mga Bagong Guro

Kung mapapansin natin ngayong darating na pasukan ng Septyembre, puro bago na ang mga guro natin sa AMA. Nasaan na ang mga dating guro na natutunan na natin mahalin? Ang mga guro na ilang taon na nating nakasama at nagmamalasakit sa atin?

Ipagpaumanhin nyo, ngunit ang mga dating guro ay tinanggal na ng pamunuan ng AMA. Ito'y sa dahilang kailangan magtipid ng institusyon. Hindi na kayang bayaran ng AMA ang mga guro natin. Kahit gustuhin ng pamunuan na bawasan ang sweldo ng mga guro upang manatili sa trabaho, ito'y hindi pupuwede dahil labag ito sa patakaran ng Department of Labor.

Ang solusyon:
Simple lang ang ginawa nila, August 30, 2004>> tanggal lahat ang guro!
Kinailangang tanggalin ang mga matatagal nang guro. Walang sinasanto.. unang-unang tinanggal ang mga may "Masterals", bakit? Dahil sila ang isa sa may pinaka mataas na sweldo bilang guro.. kahit na sabihin pa na sila ay magagaling at mataas ang pinag aralan..

Tinanggal din ang mga regular na guro.. kahit pa Cum Laude ang mga ito, o galing sa mga kilalang Unibersidad tulad ng U.P., Ateneo, Las Salle, Mapua, Adamson, etc.. basta ang kailangan nila ay puro bago.. mga bagong guro na pinulot lang sa tabi-tabi.. Bakit naman sa tabi-tabi lang galing? Kasi, ang mga gradweyt ng class "A" na school tulad ng nabanggit sa itaas ay matataas ang sweldo.. Hindi nila papatulan ang bagong starting salary na 9,000 pesos lamang..

Sabagay, sa hirap ng buhay ngayon at sa hirap maghanap ng trabaho, siguradong may tangang papatol pa din sa ganitong sweldo. Ano ang indikasyon nito? Kapag naranasan ng guro ang hirap ng pagtuturo sa kakaunting sweldo, siguradong tatamarin na ito... ang magiging karaniwang katwiran>> Bakit ka magtratrabaho ng sapat kung di ka naman nababayaran ng sapat? Tama ba o mali?

Sino ang apektado?
Ang mga estudyante ang pinaka kawawa. Isinakripisyo ng pamunuan ang kalidad ng edukasyon natin upang makatipid.. makatipid nga ba o para mapanatili ang malaki nilang kita?

Monday, August 30, 2004 

Nakakaawa na ang AMA

Batid ng mga empleyado na may pagkakautang din ang AMA. Oo, utang ng AMA sa kanilang mga empleyado. May mga empleyado na di nababayaran ng tama ayon sa kanilang trabaho. Ang mga halimbawa nito ay ang mga "extra work" ng mga guro at mga karaniwang empleyado din. May mga guro na may "overload" na di rin nababayaran ng wasto. Ang mga substitution na ginagawa ng mga guro ay di rin na bibigyan ng tamang kompensasyon. Wag kayong mag alala, ito'y sa pangkalahatang sistema ng AMA.. kaya damay lahat. Walang samaan ng loob.

Nakakaawa naman...

Marami din sa mga sangay ng AMA ang hindi nakakabayad ng renta sa gusali, kaya batid ng nakakarami ang pagsasara ng iba't ibang sangay sa mga probinsya at sa Metro Manila. Ikaw ba kapwa ko estudyante, mag aaral ka ba sa isang eskwelahan na anumang oras ay maaring magsara? O kaya, kayong mga guro, magtratrabaho ba kayo sa isang eskwelahan na walang kasiguruhan ang takbo ng sistema?

Ito'y malayang pamamahayag, mag komento na lamang kayo sa ibaba...

Saturday, August 28, 2004 

Nalulugi na nga ba ang AMA?

Nakakalungkot ang mga pangyayari nitong nagdaang mga araw di lamang para sa sistema ng AMA kundi para na rin sa kalidad ng edukasyon na ibinibigay nila sa kanilang mga estudyante. Alam ng lahat kung gaano kahirap ang dinadanas ng ekonomiya ng Pilipinas at di lingid sa lahat na maraming kumpanya ang nag babawas ng gastos o di kaya'y nagbabawas ng empleyado. Ngunit sa sistema ng AMA, isinasakripisyo nila ang kalidad ng edukasyon para lang mapanatili ang malaki nilang kita.

Upang mapanatili nila ang malaking kita, ito ang mga ginawa nilang hakbang:

>>Year 2001-2002
> Ginawa nilang trimestral ang dating semestral na pasukan. Ito ay sa dahilang hindi sila pinahihintulutan na basta na lamang magtaas ng matrikula. Kapag trimestral nga naman, tatlong beses magbabayad sa isang taon ng miscelleneous fees ang mga estudyante. Karagdagang kita, ika nga..

>>Year 2003-2004
> Tinanggal na ang mga guro sa paghahawak ng laboratoryo at ipinamahala na lamang ito sa tinatawag na "lab facilitator". Mas mahal kasi ang rate ng mga guro kung ikukumpara sa facilitator. Ang facilitator ang humahawak ng lahat ng gawain sa laboratoryo, ngunit alam naman natin na hindi lahat ng bagay ay alam ng lab facilitator. May mga specialties ang bawat guro sa larangan ng paghawak ng computer, at ang mga specialties na ito ay ipinagkait ng AMA para mapanatili ang malaki nilang kita.

>Nagkaroon ng restructuring ang organization ng AMA. Marami ang mga regular na empleyado ang tinanggal at marami ding mga empleyado ang binigyan ng "double job", ibig sabihin ang trabaho ng dalawang tao ay ginagawa na lamang ng isang tao. Para daw makatipid. Makatipid nga ba o para mapanatili ang malaki nilang kita? May nagbago ba sa kalidad ng kanilang edukasyon? Wala naman diba? Lalo pa ngang bumaba ang kalidad ng kanilang edukasyon. Sinong estudyante ang magsasabing hindi ito totoo?

Mailing List

Shout Box

Sponsored Links

Powered by Blogger
and Blogger Templates