Nakakaawa na ang AMA
Batid ng mga empleyado na may pagkakautang din ang AMA. Oo, utang ng AMA sa kanilang mga empleyado. May mga empleyado na di nababayaran ng tama ayon sa kanilang trabaho. Ang mga halimbawa nito ay ang mga "extra work" ng mga guro at mga karaniwang empleyado din. May mga guro na may "overload" na di rin nababayaran ng wasto. Ang mga substitution na ginagawa ng mga guro ay di rin na bibigyan ng tamang kompensasyon. Wag kayong mag alala, ito'y sa pangkalahatang sistema ng AMA.. kaya damay lahat. Walang samaan ng loob.
Nakakaawa naman...
Marami din sa mga sangay ng AMA ang hindi nakakabayad ng renta sa gusali, kaya batid ng nakakarami ang pagsasara ng iba't ibang sangay sa mga probinsya at sa Metro Manila. Ikaw ba kapwa ko estudyante, mag aaral ka ba sa isang eskwelahan na anumang oras ay maaring magsara? O kaya, kayong mga guro, magtratrabaho ba kayo sa isang eskwelahan na walang kasiguruhan ang takbo ng sistema?
Ito'y malayang pamamahayag, mag komento na lamang kayo sa ibaba...