Web AMA System

« Home | Katiwalian sa AMACLC Lagro by Lorielyn » | AMACC Sta. Cruz Exclusive by Jenny » | New Teachers of ACLC San Pablo City » | Who is Lilia Damasco? » | Voice of an ABE Employee » | Follow up on the SCOOP article » | Panawagan sa mga Estudyante » | Reklamo sa DOLE » | Komentong pang Headline » | GRABE!! SCOOP ITO!!! » 

Friday, September 10, 2004 

The WEB CAST and Sta. Cruz issue by: Michael

A Sta. Cruz correspondent (demos_101@yahoo.com) requested to put this comment as a full article:

Magandang araw sa lahat ng mag-aaral, guro at empleyado ng AMA Computer College Santa Cruz, Laguna at sa lahat ng bumubuo ng AMAES na dumaranas ngayon ng dilubyo.

Marami o halos lahat sa AMA ay nakikita, nararamdaman at naranasan ang di magandang pamamalakad o sistema ng pamamalakad sa AMA. Sabi nga “Bulag, Manhid o PNB (patay na bata) lamang ang maaaring magsabi na maganda ang sistema ng pamamalakad sa AMA”.

Laging binabanggit sa kanilang mga advertisement sa dyaryo, radyo at telebisyon na “AMA provides a quality education”. Subalit paano magkakaroon ng isang “Quality Education” kung ang laging nasa unahan ng kanilang mga plano ay kung paano magkakamal ng malaking kita o tubo sa halip na kung paano magbibigay ng maayos na serbisyo.

Dahil sa nais nilang magkamal ng malaking tubo, pangunahin nilang tinitipid ang mga mag-aaral na siyang dapat nilang binibigyan ng magandang serbisyo dahil sila ang pangunahing bumubuo at bumubuhay sa AMA. Kung wala ang mga mag-aaral, wala ang paaralang AMA Computer College.

Ngayong darating na pasukan dahil sa nais nilang magtipid balak nila o ipapatupad nila ang “Web Cast” sa pagtuturo ng mga minor subjects. Ano ba ang web cast? Ang web cast ay ang tipo o uri ng pagtuturo gamit ang computer na nakakonekta sa isang computer network. Hindi masama ang pagtuturo na gamit ang computer bilang isang pantulong na medium of instructions subalit ang masama sa nais ipatupad ng AMA ay ang pagtuturo gamit lamang ang computer at wala ng ang guro na siya dapat na pangunahing magtuturo. Ito yata ang implementasyon ng teknolohiyang “Robotics”, nais nilang ang mga mag-aaral sa AMA ay maging parang mga robot.

Kaugnay ng implementasyon ng “Web Cast” hindi na kakailanganin ng AMA ang mga guro upang magturo ng mga minor subjects. Ang ibig sabihin lamang nito ay isa na namang serye ng “tanggalan blues” sa AMA. Hindi na nga nila pinapasweldo ng maayos o ang iba sa mga guro ay hindi talaga pinapasweldo, tatanggalin pa nila sa trabaho ng wala man lamang sapat na dahilan at sapat na panahon upang makahanap man lamang ng panibagong trabaho. Hindi man lamang nila inisip na halos lahat sa mga guro sa AMA ay mga pamilyadong tao o kung hindi man ay siyang sumusuporta sa kanilang pamilya na kapag natanggal sa trabaho ay maaaring tumigil sa pag-aaral ang kanilang mga pinapaaral at magutom ang kanilang pamilya dahil sa kagustuhan ng AMA na magkamal ng malaking tubo.

Binabanggit sa ibang guro na ililipat lamang sila sa ibang branch ng AMA, subalit ito ay walang katiyakang matatanggap sila sa ibang branch dahil kung ano ang nangyayari sa AMA Santa Cruz, Laguna ay ito rin ang nangyayari sa halos lahat ng branch ng AMA. Kung may “tanggalan blues” sa AMA Santa Cruz, Laguna ay may tanggalan blues din sa ibang branch.

Hindi na gumaganda at hindi na gaganda pa ang sitwasyon sa AMA kung hahayaan lamang na mangyari ang gustong mangyari ng Administrasyon.

Ang mga mag-aaral at mga guro ang pangunahing bahagi ng paaralan. Kung wala ang mga mag-aaral at mga guro, walang paaralan.

Kaya panahon na upang makialam, kumilos at ipakita na ang mga mag-aaral at mga guro ay may lakas upang ipagtanggol ang kanilang mga lehitimong karapatan. Panahon na upang ipakita na ang mga mag-aaral at mga guro sa AMA ay hindi mga “Robot”.


MGA MAG-AARAL AT MGA GURO,
MAGKAISA, MAKIALAM AT KUMILOS
IPAGTANGGOL ANG KARAPATAN!

To Michael,
This is Carmi, alam mo kilala kita eh.....malapit ka lang sa ilang teachers sa AMA ka nagkakaganyan. Webcast is a further enhancement of our gained knowledge in technology....bakit ba parang ayaw mong mag-move. Kaya until now studyante ka pa rin, hindi ka maka-graduate. Maghanap ka sa buong Laguna ng school na nagpapasweldo ng tumataginting na 19 to 20 thousand pesos sa isang teacher for a month, wala kang makikita. AMA lang ang gumagawa nun. Iyan kaibigan mong teacher ay nagiging emotional lang kasi natatakot na baka mawalan siya ng trabaho. Saan nga naman siya makakaita ng magpapasweldo sa kanya ng ganung kalaki??? . I noticed hindi ka updated, iyong ibang teachers ng AMA-SCL ay approved na ang transfer to another branches, others are retained in sta. Cruz. tuloy ang webcast, tuloy ang AMA as pioneer in IT Based education, tuloy din ang crisis ng bansa, ikaw ba?, tuloy din sa pag-graduate.??? Kahit saan kang school or conmpanies pumunta, lahat may flows ang sistema, walang perfect, pero kung me makikita kang walang kapintasan, go ahead, the decision is yours. Kaya lang wala talagang perfect eh, kahit nga iyong PARTIDO mo may anomalya, di ba??? Ilang taon ba ang contract mo sa AMA to finish your course- 10 years???

Carmi,
Ikaw yata ang hindi updated, please read the AUGUST ARCHIVE of this website para malaman mo ang situation sa buong AMA System. Ang website na ito was born because of the simultaneous closures of different branches, retrenchment of employees, and the new policies for teaching loads and teacher's salary. FYI.

CARMI,
u must be living in dreamland to defend what ama is doing. 19 to 20 thousand a month sweldo ng faculty? Pero ang security of your job is good only up to the next day? u must be really paranoid to put ama in a pedestal. Wake up! dati ang AMA sta. cruz more than 600 ang naging enrollment, ngayon 300 na lang. Ur school's bad reputation is catching up on you kaya bumababa na enrollment nyo!ung comment ng student dito was legitimate,gumising ka sa katotohanan na ginawa ng ama ang webcast dahil sa PAGTITIPID! anong technological advancement in education ek ek ang pinagsasabi mo? nakapanood ka na ba ng webcast last week? sira ang audio, sira ang video, nakaka antok ang topics. NANANAGINIP KA SIGURO!

tangina, magkano ang ibinabayad ng estudyante per unit ng subject? Tapos WEBCAST lang ang ibibigay sa amin?? Putang AMA! Eh mas mabuti pang manood ng Discovery Channel, National Geographic, ESPN, CNN, TechTV.. 450 pesos lang isang buwan! MAS MADAMI PA MATUTUTUNAN! Punyeta!

to carmi:
lilinawin ko lang na hindi na ako nag-aaral sa AMA ngayon dahil matagal na akong graduate. mayroon na akong stable job sa makati.naging stable ang job ko dito dahil sa marami akong matutunan noong napasok pa ako. at ito ay dahil sa magagaling ang mga naging teacher ko at ito ay dahil ipinaglaban naming mga estudyante noon sa AMA kung ano ang dapat naming matanggap sa pagbabayad ng mahal. matagal ng nangyayari sa ama ang mga problemang mga nabanggit sa website na ito. ito ay nasusulusyonan lamang kapag igigingiit ng mga estudyante at guro. kailanman ay hindi nagkaroon ng inisyatiba ang administration na solusyunan ang mga problema ang lagi nilang dahilan ay hindi daw nila alam ang mga problema, bakit bulag ba sila at walang pakiramdam.

ang nais ko lang mangyari ay maibalik ang dating magandang kalagayan ng mga estudyante at guro kasama na ang lahat ng bahagi ng AMAsystem.

iginagalang ko ang opinyon mo hinggil sa ama. dahil lahat tayo ay may karapatan na sabihin ang ating opinyon hinggil sa mga bagay-bagay na nangyayari.

kaya sa lahat ng bahagi ng amasystem, maging bukas ang inyong mga mata sa mga nangyayari at huwag kayong matakot na sabihin ang inyong saloobin.

MGA MAG-AARAL AT MGA GURO,
MAGKAISA, MAKIALAM AT KUMILOS
IPAGTANGGOL ANG KARAPATAN!

to michael and company,
bakit kayo nagmumura??...ganyan ba kayo pinalaki ng inyong magulang ?...gusto nyo ng pagbabago sa AMA...eh dapat yata kayo ang magbago.........kung saan ka man nagwo-work sa makati.......napakamalas naman ng kumpanyang pinapasukan mo.......may kabastusan kayo. Don't worry, everything is being done.....to locate you and your allies......we'll see you...
CARMI

This comment has been removed by a blog administrator.

CARMI,
ako ang nagmura, hindi yung michael na sinasabi mo. estudyante ako sa AMA Lucena. masyado ka kasi assuming at praning.. and guilty.. bwahaha.

To Carmi:

Ang ganda naman ng sinasabi mo sa Mahal nating paaralan, ang laki na pala ng sweldo mo kakaingit ka naman, tama ka malaking magpasweldo ang AMA ang problema eh naibibigay kaya?Kung gusto mo eh kahit saan pa tayo magharap at ipapakita ko ang lahat ng documento ko (Contract, Test Papers, Grades ng mga student, mga form ko ng special exams) na dapat lahat may bayad. Ngunit sa kabila ng lahat napakaganda ng ginawa sa akin ng AMA ni hindi nya binigay pati yung sweldo ko, kung binigay lang sana eh maganda sasaangayon na sana me sa mga sinabi mo kaya lang, ang lahat ng pagod,hirap at gastos na inilaan ko para makapagbigay ng magandang edukasyon para sa mga studyante ko eh hindi lahat binayaran.

Kung sasabihin mo na bobo akong magturo kaya di ako binayaran eh bahala ka.


DARIUS

to carmi:

bakit mo nasabing malas ang employer ko? alam mo ba ang kalagayan ko sa pinapasukan ko? nagbabayad sa akin ang employer ko dahil malaki ang gain niya sa akin dahil malaki ang input ko sa company na pinapasukan ko.

maaaring nagmumura ang mga nagpopost dito, subalit ito ay dahil na rin sa ginawa, ginagawa at gagawin ng AMA admin sa kanila.

sino ba ang matutuwa kapag hindi ibibinibigay ang dapat na matanggap mo na binayaran mo ng napakamahal.
kung ikaw ay natutuwa kapag ganun ang ginawa sa iyo siguro may problema ka sa pag-iisip.

hindi namin nais na siraan o pabagsakin ang AMA, ang AMA mismo ang sumisira sa kaniyang sarili at maaaring humantong sa pagbagsak nito.

sa mga estudyante ng mga nagsarang branch at ng mga branch na posibleng magsara dahil sa pagbagsak ng enrollment, huwag kayong matakot na ipaglaban ang inyong mga lihitimong karapatan.

ayon sa ruling ng CHED, hindi maaaring magsara ang isang paaralan ng basta-basta na lamang. kung magsasara ito ay kailangan na patapusin o hintayin munang maka-graduate lahat ng old student at hindi na maaaring mag-accept ng bagong enrollee.

kung nagsara na ang paaralan, may karapatan kayo ng magdemanda. magfile kayo ng "damage". at kung ililipat kayo sa pinakamalapit na branch dapat nilang sagutin lahat ng gagastusin ninyo sa paglipat, kasama na rito ang pamasahe, bayad sa boarding house at iba pang gastusin dahil sa inyong paglipat sa ibang branch ng hindi ninyo naman ginusto.

kaya huwag kayong matakot, ito ang natutunan ko noong ako ay napasok pa sa AMA.

HUWAG MATAKOT NA IPAGLABAN ANG INYONG MGA LEHITIMONG KARAPATAN!

LAM NINYO GUYS NAIINTINDIHAN KO KAYO KC KARAPATAN NINYO NAMAN ANG SABIHIN TUNGKOL SA NANGYAYARI SA AMA DAHIL ISA AKO SA MGA LIBONG ESTUDYANTE NA NAGTITIIS SA MGA PATAKARAN NG AMA!!!PERO ITO LANG ANG MASASABI KO KAY CARMI-OO MALAKI MAGPASWELDO ANG AMA SA MGA TISER AT WALA YAN SA IBANG SKOL,PERO ALAM MO BA D2 SA AMIN YUNG MGA TITSER NA SAPILITANG INALIS O UMALIS YUNG KANILANG LAST MONTH SALARY INIHOLD NG AMA AT YUNG ISANG TITSER DIN NAMIM NA ISA 4 YEARS NA HINDI PA SINUSWELDUHAN NG AMA YUNG OVERLOAD NA KUNG TUTUUSIN MAHIGIT 50,000 NA SANA ANG NAKUHA NIYA,YUNG BA ANG SINASABI MO NA MALAKI MAGBAYAD NA SALARY ANG AMA?THINK TWICES BEFORE YOU WILL SAY IT!!KC BAWAT BRANCH NG AMA MARAMING PROBLEMA KAYA HUWAG MONG SABIHIN NA MALAKI ANG SWELDO NG AMA KC HINDI LAHAT NG TITSER PINAPASWELDO!!YUN LANG SANA MAINTINDIHAN MO DAHIL HINDI MO NARARAMDAMAN ANG PAGHIHIRAP NA GINAWA NG MGA TITSER PARA MAKAHANAP NG PERA.........ROSE!!!

to michael,
i think you're right about dun sa systema ng AMA,, your Right,, "Laging binabanggit sa kanilang mga advertisement sa dyaryo, radyo at telebisyon na “AMA provides a quality education”. Subalit paano magkakaroon ng isang “Quality Education” kung ang laging nasa unahan ng kanilang mga plano ay kung paano magkakamal ng malaking kita o tubo sa halip na kung paano magbibigay ng maayos na serbisyo."
it's always about them,, never really about giving Students the "quality education",, You're right about the Webcast,, no need for elaboration... About Carmi,, Every one has the right to give an opinion,, i don't think that emphasizing the fact that he hasn't graduated yet has anything to do with his article,, if you don't like what he says about The System of AMA then don't read the article,, it's that simple,, if you don't identify or RECOGNIZE the problem of the system then how do you suppose to develop the System?? Start Reading about System Development Life Cycle,, It's under the Planning Phase (recognize the problem) ,, to michael,, tama lng yan,, Let your Voice and Facts be heard,, As they say "REALITY BITES"..

may contact ba kayo sa imbestigador? dalin na naten 'to!

walang kwenta ang AMA... pera lang ang kailangan nila...kung walang perpektong university...puwes ang AMA ang pinakamalalang school...estudyante lang ako pero alam ko ang AMA walang kwenta

WALA NGANG KWENTA YANG AMA N YAN SOBRA ANG HABA NG TINIIS KO JUST TO GRADUATE...NAUN GRADUATE NKO PERO NDI KO MARELEASE ANG TOR KO MGA WALANG KWENTA FACULTY PERO NDI NMN LHAT..YUNG IBA MBAIT NMN AT MAY PUSO....ISA LNG MASASABI KO...ANG LAKAS NILANG MAMERA SA MGA ESTUDYANTE...NAUBOS LHAT NG ARI ARIAN KO JAN SA AMA N YAN HMMPF/.

Post a Comment

Mailing List

Shout Box

Sponsored Links

Powered by Blogger
and Blogger Templates