Mga Bagong Guro
Kung mapapansin natin ngayong darating na pasukan ng Septyembre, puro bago na ang mga guro natin sa AMA. Nasaan na ang mga dating guro na natutunan na natin mahalin? Ang mga guro na ilang taon na nating nakasama at nagmamalasakit sa atin?
Ipagpaumanhin nyo, ngunit ang mga dating guro ay tinanggal na ng pamunuan ng AMA. Ito'y sa dahilang kailangan magtipid ng institusyon. Hindi na kayang bayaran ng AMA ang mga guro natin. Kahit gustuhin ng pamunuan na bawasan ang sweldo ng mga guro upang manatili sa trabaho, ito'y hindi pupuwede dahil labag ito sa patakaran ng Department of Labor.
Ang solusyon:
Simple lang ang ginawa nila, August 30, 2004>> tanggal lahat ang guro!
Kinailangang tanggalin ang mga matatagal nang guro. Walang sinasanto.. unang-unang tinanggal ang mga may "Masterals", bakit? Dahil sila ang isa sa may pinaka mataas na sweldo bilang guro.. kahit na sabihin pa na sila ay magagaling at mataas ang pinag aralan..
Tinanggal din ang mga regular na guro.. kahit pa Cum Laude ang mga ito, o galing sa mga kilalang Unibersidad tulad ng U.P., Ateneo, Las Salle, Mapua, Adamson, etc.. basta ang kailangan nila ay puro bago.. mga bagong guro na pinulot lang sa tabi-tabi.. Bakit naman sa tabi-tabi lang galing? Kasi, ang mga gradweyt ng class "A" na school tulad ng nabanggit sa itaas ay matataas ang sweldo.. Hindi nila papatulan ang bagong starting salary na 9,000 pesos lamang..
Sabagay, sa hirap ng buhay ngayon at sa hirap maghanap ng trabaho, siguradong may tangang papatol pa din sa ganitong sweldo. Ano ang indikasyon nito? Kapag naranasan ng guro ang hirap ng pagtuturo sa kakaunting sweldo, siguradong tatamarin na ito... ang magiging karaniwang katwiran>> Bakit ka magtratrabaho ng sapat kung di ka naman nababayaran ng sapat? Tama ba o mali?
Sino ang apektado?
Ang mga estudyante ang pinaka kawawa. Isinakripisyo ng pamunuan ang kalidad ng edukasyon natin upang makatipid.. makatipid nga ba o para mapanatili ang malaki nilang kita?