AMA East Rizal: Nagtitipid na din.. mga gamit bulok!
===============================================================
Tungkol po ito sa AMA East Rizal Campus. Bakit may mga subject na webcast? Pumapasa ang mga estudyante kahit na hindi pumapasok sa subject na yon. Siguro nagtitipid ang iskul namin kasi nagkaroon kami ng Battle of the Bands nung nakaraang sem hanggang ngayon hindi pa rin nababayaran yung mga nanalo. Ang laki naman ng miscellaneous namin at isa pa ang mga pc namin eh napakabagal hindi ka makapag-research ng maayos dahil isang oras bago mag-laod ang page na hinahanap mo. Ang dati naming malaking printer ngayon eh lumiit na dahil nasira kaylangang palitan ang mga piyesa, dahil may kamahalan, hindi na ipinagawa kaya naging maliit na lang at epson pa. Kaawa-awa pati yung mga estudyante na bagong pasok lalo na yung mga walang alam sa katarantaduhan ng AMA kuha sila ng kuha ng CURRICULUM ito ng mga taga-AMAER bigay ng bigay hindi nila tinatanong kung nong year sila nag-enroll dahil nare-ervise ang mga subjects at napapalitan pa yung iba. Ibig sabihin ang course na naipasa mo na kapag na-revise naiiba yung title pero iisa pa rin ang description at yung mga subjects na walang laboratory nilalagyan nila ng laboratory para nga naman may extra income sila syempre babayaran mo yung laboratory eh. Maka-GLORIA ba naman eh kaya lantaran ang KURAKOT...